haaay. talo ako. natalo ako sa isang larong di ko naman talaga ninais na pauskin. pero eto ako ngayon, isang talunan. di na nadala. di na natuto. lagi na nga lang bang ganito??
sino nga ba kasi ang nagpasimuno ng larong to? kung sino man, pinili ko parin ang pumasok at makihalubilo. sa simula pa lang, sinigurado ko ng di ako papatalo. gumawa ako ng mga strategies para maachieve ang pagkapanalo ko. nagapaka safe player ako. ni-hindi nga ako pumusta e.... 'yun ang akala ko...
ngayong basa ang mga mata.. di mawari ang dahilan..
di ko alam kung bakit ko naisip na talo na ako.. samantalang yung kalaban ko walang kaalam-alam na panalo na siya...bka nga di niya rin alam na naglalaro na siya at ako ang kalaro niya.
di na talaga ako nadala. di na talaga ako natuto. sa lahat ng larong pwede kong salihan, bakit ito pa pinasok ko.
walang dapat ibang sisihin, nagdesisyon ako ng di ko namamalayan. hindi ko tuloy nabasa ang mga patakaran. hindi ko tuloy nabasa ang batayan ng pagkapanalo at pagkatalo oras na matapos ang laban.
pero tapos na nga ba ang laban? wala na bang paraan para mabawi ko ang ipinusta ko? ang ipinusta kong pinakaiingat-ingatan ko? ang tanging meron ako? ang puso ko?
salamat at meron akong mga paa. dahil kahit na talo na, patuloy parin akong itinatayo sa lansangang tinatapkan ko.. humahakbang upang makaalis na sa lugar na ito... kung saan may mga larong di naman bagay ang isang manlalarong tulad ko -- ang tulad kong wala namang ibang alam na teknik kundi ang magmahal lang ng buo.
No comments:
Post a Comment