Sunday, July 29, 2012
Dear John
I would like to share these few lines I read from the book of Nicholas Sparks. These might help you too. (n_n)
"...I also learned that it's possible to go on, no matter how impossible it seems, and that time, the grief...lessens. It may not ever go away completely, but after a while, it's not overwhelming."
"...I finally understood what true love really meant. ... that love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be."
If you have other favorite lines from the book, feel free to write it down on the comment box.
Thanks for reading! ^^.)
Tuesday, July 10, 2012
explosion
And weird ko ngayon, promise! Parang sobrang emosyonal ko pero hindi ko naman mailabas. May gusto ako pagsabihan pero parang hindi appropriate. Kaya naisip ko na lang na dito sabihin.
Di ko alam kung pagod lang talaga ako ngayong araw o nakaapekto yung maling oras ng pagtulog ko ngayon hapon kaya ako ganito. Basta, di ko lang maexplain at medyo nakakainis na. Tapos nagbbrowse lang naman ako ng home page ng Facebook ko, lalo akong naging emosyonal. Well, 'di naman ito yung first time na maramdaman ko 'to, pero iba yung ngayon. Para akong bulkan na gustong sumabog. Gusto ko na nga umiyak. Gustong gusto ko na. Gusto ko basagin tong laptop na nasa harap ko. Pero kung titingnan ako, di naman mababanaag sa akin na ganito yung nararamdaman ko. Waaaaaah! Nakakainis yung feeling na 'to. Tapos dagdagan pa yung feeling na hindi mo alam kung sino 'yung tamang tao na dapat mong pagshare-an ng nararamdaman mo -- yung taong hindi huhusga, yung iintindihin ka kahit 'di mo maexplain ng ayos, yung kahit hindi parin niya magets yung gusto mong sabihin e gagawa siya ng paraan para intindihin ka. Ang hirap ah-ah.
Feeling ko lang talaga, walang nangyayari sa buhya ko. Walang pagbabago. Wala akong nahihita. Wala akong maipagmamalaki. Wala akong nakukuhang gusto ko makuha. Walang wala ako. Alam mo ba 'yun???? 'Yung feeling na hindi umuusad 'yung buhay mo ni isang hakbang! Grrrr. Nakakainis. Hindi ko alam bakit ganito. Gusto kong may mangyari sa buhay ko. Gumagawa naman ako. Pero bakit parang wala akong pinatutunguhan. Wala akong maipagmalaki? Tapos titingin ka sa Facebook Home ang makikita mo eh yung mga kaibigan mong kung anu-ano na 'yung nakamit nila sa buhay. Nakakainis diba???
Bakit ganun????? Ano bang problema? Ako may problema? Wala ba 'kong ginagawang tama sa buhay ko para maging ganito?! Ano pa bang kailangan kong gawin? Naghahanap ako ng trabaho, umabot na ng final interview, maghintay daw ng one week, di na tumawag! Akala ko start na eh. Okay na sana eh.pero wala. Oo, iniisip ko may nakalaan na much bigger for me. Oo, alam ko kailangan ng patience. Oo, alam ko na the more you wait, mas maganda yung paparating na blessing. Pero tao lang din ako! Tao ako! Napapagod din ako. But it doesn't mean na sumusuko na 'ko!
Pag naglabas lang ng ganitong emosyon, negative na agad? Di ba pwedeng intindihin niyo muna bago yung kung anu-anong sinasabi niyo??? Kaya ako ganito eh. Kaya ang hirap maglabas ng mga nararamdaman eh. Kasi mahirap din humanap ng tao na pag pinagsabihan mo eh mauuna pa ung mga negative thoughts nila kesa sa pang-unawa. Eh di kayo na ulit! Kayo na talaga. The best kayo eh.
Subscribe to:
Posts (Atom)
