Thursday, February 20, 2014

BUGSO

Minsan napapaisip ako kung ano ba talaga ang gusto ko mangyari.
May mga bagay lang siguro kasi talaga na hindi maaari.
Madaming bagay lang siguro talaga yung di kaya tanggapin o intindihin ng ibang tao
Lalo na kung ang pinaguusapan na ay yung mga bagay na gustung-gusto mo.

Meron mga desisyon kang gustong gawin pero pangit sa mata ng marami.
May mga desisyon ka ring ikakasaya mo pero alam mong mali.
Ano ba kasi talaga ang dapat mong unahin?
Aling mga bagay ang dapat mong MAS isaalang-alang?
Bakit nga ba kasi mahirap balansehin ang sarili mo
.........at ang ibang tao?

Saan ka lulugar kung ganito ang sitwasyon mo?

Sa bansang kinalakhan, prayoridad ang pamilya.
Pero kelan mo nga ba masasabing sobra na o tama na?
O may hangganan nga ba talaga ang serbisyo sa kanila?
Ilang porsyento ba ng sarili mo ang dapat na maiwan panghabambuhay sa pamilya mo?
O dapat nga bang may parte mo na ilaan lamang para sa sarili at mga kagustuhan mo?

Yung mga ninanais mo, dala ba non eh kasiyahang pangmatagalan na?
Pwede rin namang kasing panandalian lang, tapos ang pangmatagalan yung sinasabi nila.
Kailan mo ba masasabing hindi dapat intindihin ang sinasabi ng ibang tao?
Sasaya ka nga kaya kung ang mga bagay na nais mo ay isasakripisyo?
Paniniwalaan mo ba ang mga sinasabing "nasa huli ang pagsisisi"?
Pero pagsisisihan mo nga ba ang lubos na kasiyahan at mga matututunan kung ikaw nga'y magkamali?

Ang hirap noh?
Kung iisipin kasi dapat balanse.
Pero di mo maiiwasang dumating sa punto na hindi mo na kayang timbangin
At wala ka ng magawa kundi sundin ang damdamin.
Damdamin na di lamang dala ng mga bagay na lubos mong minimithi,
Kundi pati ang damdaming dulot ng mga taong may nasasabi.