gusto ko lang mag-explain.. gusto ko kasing ayusin lahat. pero mukhang walang opportunity para makapagusap tayo ng maayos in person.
well, it started nung magkareunion kame in a networking account. naging close kame dahil sem-break nun at kame lang ang madalas na mag-online. napadalas ang paglolokohan namin at pagkekwentuhan. nagkapalagayan kame ng loob. well, 'di ko pa naman talaga siya kilala nun. ang tangi ko lang naman alam about sa love life niya e nagkagirlfriend siya at ung ex niya na un, ikaw, e love pa siya pero may boyfriend ka na. ayun lang.
nung time na nagbonding kame dito sa bahay..that was the only time na nalaman ko ang lahat. dun ko lang nalaman na mutual pa pala ang feelings niyo sa isa't isa. nagulat talaga ako. kung alam ko lang kasi na ganun ang sitwasyon, e 'di sana nung una palang naging careful na ako at 'di ko na masyadong inenjoy ang pagiging close namen na nauwi into something a little bit, just a little bit, beyond that.
nung nalaman ko na mahal na mahal ka pa pala niya at mahal na mahal mo pa talaga siya, nagisip akong mabuti. inisip ko kung ano ba talaga ang dapat kong gawin at kung ano nga ba talaga ang kintatatayuan ko.
dumating 'yung time na naguluhan na siya. naisip ko ako yung dahilan ng pagkagulo ng lahat kaya ginusto kong lumayo nalang. kung hindi naman kasi dahil sakin "perfect" na ang lahat di ba? mahal mo siya..tapos..mahal ka niya.
ok na sakin at tanggap ko na na kayo ang dapat na maging ok. ok lang din naman kasi ako. inaamin kong napalapit na talaga siya sakin pero hanggang dun nalang 'yun, 'wag ka magalala mawawala din 'to. di ko na nga pinapansin =)
nung nasabi niya sa'kin na nasabi na nga niya sa'yo 'yung tungkol dito, sobrang nahihiya na ako sa'yo. gusto ko malaman lahat ng nararamdaman mo. gusto ko rin malaman kung ano iniisip mo o kung may mga tanong ka. gusto kong maging malinaw ang lahat. kaya nga sobrang ginusto din kitang kausapin.
sa totoo lang, kung nakausap ko siya ng maayos, sasabihin kong hindi na siya dapat maguluhan pa at dapat na niyang ituloy ang pagbalik sayo. di ba sabi ko nga din sa'yo tutulungan kita. sinabi ko din sa kanya na tutulungan ko siya. walang halong kaplastikan 'yun. gusto ko talaga kayong maging ok.
pasensya na talaga. pasensya. pasensya. 'di ko sinasadyang manggulo. alam kong 'di naman ako dapat mag-sorry dahil inosente din naman ako sa mga naganap pero sorry pa rin.
hindi ko magawang lumayo. gusto ko kasing maging kaibigan niyo parin ako. nangako din kasi ako sa kanya na hindi ko siya iiwan ano man ang maging desisyon niya. isa pa, ayaw ko talaga 'yun gawin sa kahit kanino. ayaw kong may iniiwan ako dahil iyon ung pinakaayaw kong ginagawa sa'kin. 'di ko rin kayang mawalan pa ng kaibigan.. kaya sana hangga't maari maayos natin.
salamat. sana hindi ka galit sakin. sana naiintindihan mo ako.
masaya ako para sa inyo at lagi lang akong nandito.
God bless..
Daye =)))
sori sori din po .....alam ko may kasalanan din ako huhhuh.... pwede nman tayo maging friends eh ngayon malinaw n sken ang lahat alam ko n dapat ko gwin ahm... pasensya na din nung cnbe ko na nagseselos ako sau.. d ko snsadya n saktan ka.. nagpaka totoo lng ako sa nararamdaman ko... maraming salamat po sa lahat ng tulong at png unawa.... hnd ako nakikipag plstikan... alam ni kyle ang ugali ko.. kya sori.. kung minsan mkitid ang utak ko na kung anu naiicp ko... dala lng yun ng pagmamahal ko sa knya...
ReplyDelete