Monday, July 19, 2010

pwede ba?

the day i want to forget everything i did. everything that happened. i wrote a song for her. i had special plans for her to show how sorry i was for how i acted. but everything was just on my mind. wala manlang akong nagawa ni-isa. even this song, i was not able to let her hear this.

[Saturday, ‎June ‎26, ‎2010, ‏‎12:42:41 PM]

"PWEDE BA?"


I.

Apat na taong pagsasama, sasayangin pa ba?

Sa lahat ng gawain tayong magkasama

Bawat tawanan, iyakan, itatapon na lang ba?

Pangarap at dalangin ko’y tinupad mo na


II.

Sa lahat ng bagay ay kahati ka

Kwento ng buhay ko’y saulo mo na

Turingan natin ‘di na kayang sukatin pa

Nagkalamat lang ‘to pero buo ‘di ba?


Chorus:

Pwede pang maayos ‘di ba?

Pwede pa nating makita

Pagsasamahang tila walang katapusan

Pwede pang maayos ‘di ba?

Ang nakaraan nating dalawa

Pagkakaibigan walang mas hihigit pa


III.

Sinubukan ko ang mag-isa, ‘di ko kinaya

Nakita ko lang akong lumuluha

Pati tuloy ang buhay mo nagulo ko na

Patawarin mo ko, ‘di ko ‘to sinasadya


IV.

Marami akong pagsasala, inaamin ko ‘yun

Pero ang buhay na wala ka,

Para sa’n pa ‘to?


Chorus:

Pwede pang maayos ‘di ba?

Pagsasamahang titibay pa

Pagsubok lang ‘to para sa’ting dalawa

Pwede pang maayos ‘di ba?

Pangako ko ba’y nalimot mo na?

Sabi ko sa’yo ‘di ka mag-iisa


Coda:

Takot akong mawala ka

Takot akong maramdamang iniwan mo na

Oras mo ay mabawasan

Takot akong mapunta ka sa iba


Chorus:

Pero alam mo mahal kita

Kung sa’n ka masaya, susuportahan kita

Kaligayahan niyong dalawa’y hinihiling ko na

Katotohanan aking tatanggapin

‘Wag lang mawala pagsasama natin

Pwede pa natin ‘to ayusin ‘di ba?


Proverbs 12:26

A righteous man is cautious in friendship,

but the way of the wicked leads them astray.

2 comments:

  1. anung chords n2? <3

    ReplyDelete
  2. ngayon ko lang po nabasa, sorry.. sino ka? haha. secret yung chords =D

    ReplyDelete