Saturday, April 17, 2010

1-4-3 vs 5-4 :D

[ang topic na ito ay natutunan ko sa prof ko sa Psychology ngayong summer'10 na itatago ko na lamang sa pangalan na Ma'am Charm :) ...fun!]

Alin sa dalawa ang mas madalas mong gamitin/sabihin - 'i love you' o 'mahal kita'? Siguro kalimitan sa'tin, 'I love you' 'yung sagot. PERO alam mo ba na mas masarap pakinggan at sabihin ang 'mahal kita'? Nagpapahiwatig ito ng mas malalim na damdamin ng isang tao, nagpapakita ng mas wagas na kahulugan at nagpapahayag ng mas matinding pagmamahal para sa sinasabihan.

Sa 'i love you', i 'yung unang ginamit na salita. Pangalawa lang 'yung salitang love at huli 'yung you. Ang unang salita sa bawat pangungusap o sinasabi ng isang tao ay ang tumatanggap ng pinakamataas na antas na pagpapahalaga ng sumambit. Ibig sabihin, ang sarili ang pinakaimportante sa 'i love you', pangalawa lang ang nararamdaman, at huli ang taong sinasabihan. Mas inuuna pa ng taong sumambit ang kanyang sarili kaysa sa anu/sinupaman.

Ano namang mapapansin mong kakaiba sa pagsasalin ng 'i love you' sa tagalog? Wala ang salitang ako na katumbas ng i. Wala din ang salitang ikaw na katumbas ng you. Nasa unahan ang salitang mahal na nagpapakita na mas binibigyang prayoridad ang damdamin ng nagsasalita. Ang salitang kita naman ay resulta ng i + u. Nangangahulugang ang ikaw at ako ay pinagsama na at 'di na maaaring paghiwalayin pa.

hahaha.. o 'di ba ang galing? 'Di ko akalain na nakikinig din pala ako sa klase :) basta, nasisiyahan talaga ako sa klase kong 'to. Kasama ko pa ang malalapit kong kaibigan. Alam kong marami pa akong matututunan sa Psychology at ibabahagi ko lagi ito sa inyo :)

[share ko lang din] Kanina tinanong kami kung ano ang 5 una naming gagawin kung mayroon kaming super powers na kaya naming gawin ang kahit ano. Sa sobrang dami ng pwedeng isagot, ito ang naisulat ko sa papel ko:
  1. lumipad,
  2. pumunta sa mga lugar kung saan nandoon ang mga taong gusto kong makasama,
  3. tulungan ang lahat ng taong nangangailangan, AT...........
  4. lahat ng sinulat at ginusto ng mga kamag-aral ko.
hahahahaha...



12
"What do you think? If a man owns a hundred sheep, and one of them wanders away, will he not leave the ninety-nine on the hills and go to look for the one that wandered off? 13And if he finds it, I tell you the truth, he is happier about that one sheep than about the ninety-nine that did not wander off. 14In the same way your Father in heaven is not willing that any of these little ones should be lost. Matthew 18:11-14

1 comment:

  1. Aw :) I miss you too Daye. I will post this link to my (large) class' FB group ha. Para naman ma-inspire rin sila tulad mo :D -Ma'am Charm

    ReplyDelete