Sunday, April 4, 2010

Resulta ng walang tulog...

Sa 'di ko malamang dahilan, 'di ako nakatulog. Lumipat na ako ng higaan, wa epek. Tinutok ko na sakin ung malakas na fan, wa epek. Naglagay na ko ng unan sa paa, wa epek. Nagtakip nko ng unan sa mukha, wa epek. Nilagay ko na ang paa ko malapit sa ulo ko, wa epek. Bumaligtad ng posisyon, wa epek pa rin. Aba naman! Kulang nalang e kumuha ako ng dos por dos para ihamapas sa ulo ko at sabihing wa epek parin! Wala na akong nagawa. Pagtingin ko kasi sa binatana namin, sumisilip na ang liwanag na mula sa kalangitan, hudyat na kailangan ko nang bumangon at maligo. Maaga pa kasi ang simba. Sa totoo lang, di naman ganun kaaga, pero kasi ang layo ko. Umaabot ng dalawang oras ang biyahe at ayaw ko namang mahuli. Hindi ganun ang turo sa amin. Naligo ako at nahilo. Naririnig ko ang malakas na base drum s dibdib ko. 'Di ako kumain. Naubos ang oras ko s pagpili ng damit at paglagay ng achuchereche s muka ko. Wala kasing tulog kaya naisip ko mukha akong kakabangon lang sa lupa. Pagdating ko sa simbahan, di ko pa nabababa ang gamit ko e pinakakanta na agad ako. Naku! Gusto ko mang gawin, 'di ko kinaya. Wala akong tulog kaya inaatake nanaman ako ng pagduduwal ko. Sabi ng marami, anemic daw ako. E bata palang ako ganito na ako. Prep palang nraramdaman ko na to -- pag naeexcite, kinakabahan, masyadong masaya, masyadong madaldal, tawa ng tawa. Gnun. Pero thank God nawala din matapos akong magduduwal sa cr ng walang nakakaalam.

Anu nga bang dahilang bakit may mga taong di makatulog? Nag isip ako kahit sabi ng mga kaibigan ko e bungo lang ang meron ako at walang isip [lokohan namin yun parati].
  • Gaya ng laging sinasabi ng marami, may nagiisip sa isang tao kaya di siya makatulog. Pwedeng dahil pinagpapantasyahan siya, o kaya may binasted siya, o kaya may gustong sabihin sa kanya kaya masyadong siyang iniisip, o kaya may nakakamiss sa kanya, o kaya mahal siya nung taong nagiisip sa kanya, o kaya pinagiisipan siya ng masama, o kaya naman e may kinauutangan siya.
  • Dahilan din na siya naman ang maraming iniisip. Pwedeng dahil may pinagpapantasyahan siya, may gusto siyang bastedin at di niya alam kung panu sabihin o gawin, may namimiss siya, may lihim na minamahal, may pinagiisipan ng masama, o kaya naman e may gustong utangan.
  • May tao namang sadyang emotera/emotero lang. Matutulog nalang at lahat-lahat, iisip pa ng mga bagay na makakpagbuhos ng kanyang mga luha. Isama pa 'yung sipon. 'Yung iba naman, problema na ng iba poproblemahin pa niya. Minsan trip lang. Masabing may thrill manlang ang buhay niya at di boring. Pero meron din namang seryoso ang pageemote. Taong lihim na nasakatan at nagsasarili ng mga nararamdaman. Marahil takot na di maintindihan ng mga taong di naman talaga siya kayang intindihin. Tapos di ka na nga naiintindihan, dami pang side comments at violent reactions.
  • Meron namang mga taong hindi makatulog dahil may pinagdadaanan siya. marahil ay may nangyari sa mga nakaraan niya na sadyang nakakatakot, dahilan para hindi siya makatulog. na-trauma kumbaga. sabayan pa ito ng mga masasamang balitang naririnig at nababasa niya mula sa telebisyon, radyo o internet. dahil sa takot, hinihintay nalang nilang sumikat ang araw para maramdaman nila na ligtas na ang kapaligiran. kawawa naman sila. ang dibdib nila ay umaapaw sa kaba. sana lang hindi sila ma-nervous breakdown.
  • Masyado nang laganap ang teknolohiya sa ngayon. Ito panigurado madalas dahilan ng 'di makatulog. May mga tao kasing gusto nang matulog pero kating-kati s pagtetext o pagkokompyuter. May iba pupunta s blogsite at mgpopost ng kung anu-ano tungkol sa mga taong 'di makatulog. Meron namang naghihintay ng text. 'Di na mahalaga kung importante o hindi ang mensahe, kahit nga ''ok'' n reply lang hinihintay pa e. Baka kasi magalit si katext, lalo pa't si juwa ang katext.
Sa dami ng nasabi ko, alin nga ba yung akin? Naisip ko lang. Panu ko nga ba 'to nasabi ng ganito kadetalye???

I can do everything through him who gives me strength. - Philippians 4:13
No matter which path we are travelling on, we must always put God first in our hearts. Let's trust Him in everything that we do and we have. We are weak and we cannot do anything without Him. Do not be ashamed of asking help from Him. That's what He wants because that's a way of being close to Him. Any burdens that we have, resulting to sleepless nights, let's lift them all to Him. Trust Him and let Him lead the way. Putting all these in His Hands means forgetting about worries and pains. All we have to do is have faith and wait for His plans for us -- plans that will answer all our prayers. Maybe not that as exact as how we wanted things to happen, but for sure that's the best for us. Just be patient enough.

No comments:

Post a Comment