Friday, June 10, 2011

...share lang...

Kahapon, I decided na sa campus na mag-stay because I have to finish my proposal paper kasi kailangan na agad i-submit the day after. So I went there yesterday afternoon after watching showtime. Nagdala ako ng gamit pang-overnight like extra clothes, towel, pangligo, etc. May dala din akong laptop so I could type my paper right away pero 'di ko naman nagamit kasi my friend A.M. lend me her laptop, a better laptop.

I stayed in the library the whole afternoon. Pero hanggan 5pm lang kasi ang library kaya naghanap ako ng maapgs-stay-an. Naisip kong pumunta ng dorm. Nagtext ako sa mga friends kong nasa dorm pa nags-stay. Luckily, one responded at pupuntahan daw niya ako sa lobby. Dahil past five na yun, sarado na 'yung office kaya madali akong nakapasok. Well, kahit naman nandun ang mga tao sa office eh makakapasok pa rin ako. hehe.

Nagtype ako ng konti pero as in konti lang talaga. Super wala akong idea sa isusulat ko sa proposal ko. 7pm na, kumakalam na ang sikmura ko dahil 11am pa yung huli kong kain. I texted A.M. and asked her to wait for me so we could eat dinner together. Sumakay ako ng jeep at pumunta sa kinaroroonan niya, pagkakita namin, sabi niya sakin may meeting daw siya. So kumain akong magisa.

Naglakad ako pabalik na dorm at lumipat sa ibang kwarto..sa kwarto kung saan nandun ung isa kong friend na si Karen. She let me use her bed because she will be staying in her friends' house. Nagtype ako ng paper ko with konting chika sa isa pang roommate at sa isang bagong roommate. I miss my "roomies".

I got bored actually habang iniisip ko ang hindi ko maisip na dapat kong isipin. So sinamahan ko ng pags-sound trip ang pagsusulat ko. Nagetext-text na rin ako sa bloc mates ko at sa iba ko pang pwede itext. Dahil dun, medyo nawili ako sa paggawa at nawala ang boredom ko.

Dahil imposible ko talagang matapos ang paper ko due to lack of sources, naisipan ko nang matulog. 2am na. PERO! bigla kong naisip na mag-isa lang ako sa bed at mukhang mahihirapan akong matulog. Dahil simula nang nakatabi ko si Sarah sa higaan, parang hindi na ako makatulog kapag walang katabi. tsk.

Luckily again, nakatulog ako. Dala na rin siguro ng pagod ko. Nagising ako isang minuto bago mag-alarm ang phone ko. Sumagot pa nga ako ng mga text messages kahit wala pa ako sa wisho. =D

DITO MAGSISIMULA ANG MAGANDANG PART NA EWAN KO KUNG TALAGANG MAGANDA....

that night, inakala ko din na matutulog ako sa lansangan kung wala man akong makitang place na matulugan. pwede sa waiting shed.. pwede sa mga tambayan.. o sa benches sa field..

friday morning, pumunta ako sa C.R. para sana maligo at maghilamos at magmumog. Pagdating ko ng C.R. ginagawa pala kaya ayun, walang tubig. Nagbihis ako, nag-ayos at umalis. Nakakhiya, ni pagmumog hindi ko nagawa. Agad akong pumunta sa may library ng college namin. Pumasok sa C.R. doon. Pagkalabas na pagkalabas nung dalawang babae, naghilamos ako agad, nagmumog at naghugas. Sarap ng feeling. Feeling ko kawawa din ako ng mga oras na yun. hehe.

Pumunta ako sa klase at nakipag-ingayan sa mga kaklase ko. Pagkatapos ng klase pupunta sana ako ng library para gumawa pero lunch break. Naalala kong lunch na nga at gusto ko ng kumain. Kumain ako kasama si A.M. Pagkatapos kumain diretso agad sa library pero sarado pa rin kaya dun ako gumawa sa hallway.

Nung bumukas na ung library dun ako gumawa hanggang 3pm at pinasa ang paper ko. Bitbit ang 2 mabigat na laptop at maraming gamit. Sobra ang bigat. Sobra talaga. Nakakasuko ang bigat. Pero nagpatuloy ako.

Nagpunta akong Agronomy, nagpunta ng SU, nagpunta ng Admin., nagpa-photocopy sa labas ng campus, nagpunta ulit ng Admin., pumunta ulit sa SU. Sobrang lalayo ng agwat ng mga buildings na yan pero kinaya ko, nanginginig na ako sa pagod.

Sa mga inasikaso kong papers sa SU, hindi ko alam na kailangan kong magbayad ng P50.00, whew! P70.00 nalang ang pera ko at sakto un na pamasahe ko. Pero wala akong nagawa. Umutang nalang ako sa kaibigan ko.

haaay. madami pang nangyari hanggang makauwi ako sa bahay. Kahit sobra na ang pagod na nadarama ko, kailangan ko pang maglampaso ng sahig pagdating sa bahay.

Ngayon? OK naman ako. At gusto ko ng magpahinga. Salamat sa'yo, lalo na sa'Yo!

No comments:

Post a Comment